Let “alignments” Work!


Image

God wants us to be a SUPERSTAR!

… and yes, kahit anong klase po ng buhay meron tayo ngayon, kahit anong karanasan ang pinagdadaanan natin sa mga nakakaraang araw, ang sabi ni God, “wag kang mag-alala, YOU’RE A WORK IN PROGRESS … with your uniqueness, you’re yet A SUPERSTAR IN THE MAKING!

Ang sarap pakinggan, LIBRE naman kung gagawin natin itong PANGARAP!

PERO mas maganda kung TUTULUNGAN NATIN SI GOD na tuparin ang pangarap na ito para sa atin dahil ito po ay hindi simpleng pangarap lang –higit sa lahat, ito po ay GOD’S PLAN for us!

But how ???

God simply wants us TO CLEAN OUR HEART “21 For it is from within, out of a person’s heart, that evil thoughts come…”

Ibig sabihin po, gusto ni God na pilitin natin na maging tapat tayo sa mga ginagawa natin. Hindi ang panlabas na pinipilit nating gawing maganda sa paningin ng iba — kundi ang malinis na kalooban sa bawat intensyon ang mas dapat bigyang halaga.

Maaaring may mga masasakit tayong karanasan. Minsan, pinipilit nating “kunyari wala lang” kaya kung minsan kung ano-ano na din ang ginagawa natin para lang masabing okey lang ang lahat. Pero ang di natin pansin, habang may piniplilit tayong pagandahin sa paningin ng iba, meron tayong isina-sacrifice na dapat ay mas mahalaga pa!

As I would always tell my students, “You can tell who you are by the things that you do – even when no one is watching you!”

Ang pagsikapan nating maging “tama” ang bawat gawain natin kahit na walang nakatingin sa atin ay isa pong napakalaking tulong para matupad ang plan ni God  para sa atin.

While we are a “work in progress”, habang pinapaganda natin kung ano ang pwedeng makita sa panlabas nating anyo, kasabay po nating pagandahin MAS LALO PA KUNG ANO ANG LAMAN NG ATING KALOOBAN.

Let us not allow our human frailties to delay such work of progress.

If we already be want to be a SUPERSTAR, may  THE INTENTIONS OF OUR HEART be “aligned” with God’s plan for us! — sunset